Caloocan City – Hinihintay pa ngayon ang desisyon ng Directorate for Personnel Records Management o DPRM para tuluyan ng mailipat sa Caloocan City ang ilang police Davao.
Ito ay matapos na hikayatin ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa kahapon ang mga pulis Davao na mailipat sa Caloocan matapos na sibakin ang buong pwersa nito kasunod ng ilang mga kontrobersyal na pagpatay.
Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, manggagaling ang kautusan sa DPRM at ito ay ilalabas sa lalong madaling panahon.
Magsasagawa o isasailaim naman muna sa background check ang mga pulis na ide-deploy sa Caloocan.
Facebook Comments