Ordinance na taasan ang allowance ng mga escolar sa Muntinlupa, aprubado na

Pormal ng nilagdaan ni Muntilupa Mayor Jaime Fresnedi ang isang ordinansa na naguutos na dagdagan ang cash incentives at allowance sa mga magaaral sa elementary at high school ng kanyang nasasakupan.

Nakapaloob sa City Ordinance No. 2020-054, tumaas ang allowance ng elementary at Alternative Learning System (ALS) students mula sa ₱3,000 at ngayon ay ₱4,000 kada taon ang kanilang matatanggap.

Ang allowance naman ng junior high school ay nasa ₱5,000 na at dati ito ay ₱4,000 lamang kada taon.


Tumaas din ng isang libong piso ang matatanggap na allowance ng mga senior high school kung saan nasa ₱6,000 na ito, na dati ay ₱5,000 lamang kada taon.

Ayon sa Alkade, layunin nito na hikayatin na mga bata sa Muntinlupa na mag-aral at pagbutihan ang kanilang pag-aaral.

Umaasa naman ang Alkade ng Muntinlupa na mababawasan ang bilang ng mga bata na out-of-school youth sa kanayang lugar.

Aniya, sa kasalukuyan ang Muntinlupa City ang mayroong pinakamaraming eskolar sa buong bansa kung saan mayroon silang mahigit 71,000 eskolar.

Facebook Comments