Ordinansa kaugnay sa Social Distancing, inilabas ng LGU ng Muntinlupa

Aprobado na ng Muntinlupa City Government ang isang ordinansa na magpapatupad ng social distancing sa ilang lugar ng nasabing lungsod.

Nakasaad sa City Ordinance No. 2020-072 ang agarang pagpasara ng ng public at private recreational facilities tulad ng fitness gyms, swimming pools, saunas, karaoke bars, at country club facilities para sa sports at iba pang lugar na maaaring magtipon ang mga tao.

Maliban dito, una nag naglabas ang City Government ng Muntinlupa ng isang city ordinances na nagpapatupad ng “No Dine In Policy” sa  mga restaurant, carinderia, at  iba pang eatery, ibigsabihin maaari magpatuloy ang kanilang negosyo kung mayroon silang delivery service o take out service.


Kasama rin dito ang pagbabantay sa mga public market, supermarket, drug store at iba pang bukas na establisyemento  na nag bibigay ng pangunahing serbesyo publiko.

Ayon Kay Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, layunin nito na mas mapaigting at masunod ang 1meter apart o social distancing sa kanyang lungsod.

Sa kasalukuyan, ang Muntinlupa City ay mayroon nang 49 Persons Under Monitoring (PUM), 43 Persons Under Investigation (PUI), at tatlong confirmed cases ng Coronavirus Disease 2019 (COVID 19).

Facebook Comments