Philippine Consulate sa Macau, nakikipagtulungan na sa mga otoridad doon kaugnay ng contact tracing sa Pinoy na nagpositibo sa COVID-19

Nakikipag-tulungan na ang Philippine Consulate General sa Macau, sa mga otoridad doon para matukoy ang travel history at ang mga nakasalamuha ng Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sa Macau.

Ang naturang Pinoy non-resident worker sa Macau, ay ang ika-labing limang kaso ng COVID-19 infection sa nasabing special administrative region.

Tiniyak din ng Philippine Consulate na tinututukan nila ang pangangailangan ng naturang OFW.


Nabatid na ang naturang OFW ay bumalik sa Macau noong March 16 via Hong Kong mula sa Pilipinas.

Facebook Comments