Maaaring makulong ng hanggang pitong araw o pagmultahin ng ₱500 ang sinumang mahuhuling umiinom ng alak sa kalsada at iba pang pampublikong lugar sa San Fabian, Pangasinan matapos muling ipaalala ng kapulisan ang pagpapatupad nito.
Ang pagbabawal sa pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar ay alinsunod sa Municipal Ordinance No. 02-02-S-96.
Ayon sa San Fabian Municipal Police Station, Ang implementasyon ng Ordinansang ito ay pinaiigting upang mapanatili ang kaayusan at disiplina sa bayan.
Kaugnay nito, muling nanawagan ang pulisya sa mga residente na sumunod sa batas upang maiwasan ang paglabag at kaparusahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










