Ordinansa na nagpapahintulot na boluntaryong pagsusuot ng face masks, nilagdaan na sa San Juan City

Nilagdaan na ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang City Ordinance No. 54, series of 2022 na nag-a-adopt sa Executive Order No. 7 na inisyu ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., o ang boluntaryong pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor settings.

Ayon kay Mayor Zamora, ang pagsusuot ng face mask ay obligado pa rin sa healthcare facilities, medical transport vehicles at mga public transportation.

Hinihikayat din ni Zamora ang mga nakatatanda, persons with comorbidities, immunocompromised individuals, mga buntis, at mga hindi bakunado at symptomatic na magsuot pa rin ng face mask.


Bagama’t epektibo na ngayong araw ang naturang ordinansa, ipinauubaya na ng alkalde sa mamamayan ang diskrisyon na madetermina ang lugar at sitwasyon kung saan ang face masks ay kailangang isuot base sa health risks.

Facebook Comments