Anim, nasawi sa sunog na naganap sa Navotas City

Patay ang anim na indibidwal sa nangyaring sunog sa Area 5, Barangay Dagat-Dagatan, Navotas City.

Sumiklab ang sunog dakong alas-5:21 kaninang madaling araw at idineklarang fireout makalipas lang ang dalampu’t tatlong minuto.

Nagsimula ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay kung saan ang mga nasawi pawang mga miyembro lang ng isang pamilya.


Kinilala ng Bureau of Fire Protection ang mga nasawi na sina Donsito Boiser, 41-anyos at misis nitong si Reynosa Muscoso, tatlo nilang anak na edad 10, 3 at 2 at isang 14-anyos na babaeng pamangkin.

Samantala, tatlong iba pa ang isinugod sa ospital.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng sanhi ng sunog.

Facebook Comments