Ordinansa sa pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong lugar sa Taytay, Rizal, aprubado na

76

Inaprubahan na ng Taytay Rizal Government ang pagsusuot ng face shield maliban sa pagsusuot ng face mask.


Sa Local Ordinance no. 44 series of 2020, hindi na papapasukin sa mga establisyemento gaya ng palengke, supermarket, convenience store, remittance centers, at iba pa ang mga residente kung wala silang face shields at face mask.

Ito’y bilang pag-iingat na rin para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Ang Rizal ay kasama sa mga lugar na muling isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Facebook Comments