Ordinansang Magbabawal sa mga Menor de Edad sa Drive-Inn Hotel, Lusot na sa Ikalawang Pagbasa!

Cauayan City, Isabela- Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang magtatakda sa lahat ng mga nagmamay-ari ng mga drive-inn hotels na huwag tumanggap ng mga menor de edad o 18 anyos pababa Sa kanilang establisyimento.

ito’y makaraang ihain ni Liga ng mga Barangay Pres. Victor Dy, Jr. na layong huwag imulat ang mga menor de edad sa pagtatalik na dapat ay ginagawa lamang ng mga mag-asawa.

Ayon kay LNB Pres. Dy, sakaling maisabatas ang nasabing panukala at lumabag ang mga drive-inn establishments ay papatawan ang mga may ari, manager, lahat ng staff na nag accomodate sa mga menor de edad at may kaakibat na pagmumulta.


Maaaring magmulta ng P2,500 sa unang paglabag ang sinumang establisyimento na mahuhuli, P5,000 sa pangalawang paglabag habang sa 3rd Offense ay posible namang mauwi sa pagpapasara sa establisyimento at pagkakulong ng anim (6) na buwan hanggang isang (1) taon ang may-ari ng drive-inn hotel.

Inaasahan naman na maipapasa na sa susunod na sesyon ang nasabing ordinansa.

Facebook Comments