Maghahain si Muntinlupa City Councilor Alexson Diaz ng panukalang ordinansa na layong obligahin ang mga negosyo na magpakabit ng CCTV bago mabigyan ng business permit.
Sa ginanap na public hearing ng peace and order committee, nakapaloob sa panukalang ordinansa na gawing requirement ang CCTV installation sa business establishments na maraming aktibidad at may banta na pangyarihan ng krimen.
Kabilang dito ang fast-food chains, restaurant, convenience store, drug store, ospital, shopping mall, supermarket, palengke, internet cafe at sinehan.
Isasama rin dito ang mga public transport terminal, bangko, pawnshop at money changer o remittance services.
Ayon kay Diaz, sang-ayon ang “No CCTV, No Business Permit” policy sa DILG Memorandum 2022-060.
Sa susunod na regular session ay tatalakayin ang penalties, sistema ng pag-uulat at kung paano makakakuha ng kopya ng CCTV footage sakaling may pangyayari.