10 pamilya nawalan ng tahanan matapos manalasa ang isang buhawi sa Quezon noong Lunes

53

Nawasak ang tahanan ng 10 pamilya sa Sitio Scuba at Sitio Pantay Barangay Abuyon, San Narciso Quezon matapos manalasa ang isang buhawi nuong Lunes ng hapon.

Sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa ₱200,000 ang halaga ng pinsala dulot ng buhawi.

 

Wala namang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente.


Maliban sa mga bahay, nabuwal din ang mga puno ng saging sa Barangay Pantay.

Sa ngayon, kanya-kanyang pagkukumpuni ng nasirang bahay ang mga residente kung saan pinagkalooban naman sila ng tulong ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments