ORDINANSANG PAGHULI SA MGA MOTORISTANG NAGKAKARERA, NAIS IPATUPAD SA DEL PILAR

CAUAYAN CITY- Isinusulong ang panghuhuli ng mga motoristang nagkakarera sa lansangan ng Brgy. Del Pilar, Alicia, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Domingo Kingat, layunin ng ordinansa na maiiwas sa disgrasya ang mga motorista lalo na ang mga menor de edad kung saan napansin ng kanilang pamunuan na ginagawang race track ang kanilang daan partikular ang lansangan patungong Brgy. San Francisco.

Aniya, marami rin umanong menor de edad ang nagmomotorsiklo sa kanilang lugar gamit patungong paaralan.


May kaukulang parusa naman na P200 sa first offense, P500 sa second offense, at P1000 para sa third offense ang sinumang mahuhuling lalabag dito.

Samantala, kapag naaprubahan ang ordinansang ito ay magtatawag ng pagpupulong ang Brgy. Del Pilar sa mga residente upang mabigyang impormasyon hinggil dito.

Facebook Comments