Ilagan City, Isabela- Inilatag ng Sangguniang Panlalawigan ang panukalang Ordinansa na dapat magkaroon at lagyan ng CCTV Camera ang lahat ng mga Business Stablishments sa lalawigan ng Isabela sa ginanap na session kahapon, ika-apat ng Abril 2018 sa Isabela Provincial Capitol.
Layunin ng panukalang ordinansa na ito na makatulong sa paglutas ng kriminalidad na nagaganap sa ibat-ibang bahagi ng lalawigan upang mahuli at maimbestigahan agad ang sinumang gagawa ng karahasan.
Bukod dito, laman din ng naturang panukala na Suriin din umano ng mabuti ang mga ikakabit na CCTV Camera at siguraduhin ding maganda ang kalidad nito.
Inirekomenda rin sa naganap na session sa panukalang ordinansa ang pagkakaroon ng Daily Inspection ng mga kapulisan upang makita kung may mga hindi inaasahang insidente.