Tuesday, February 10, 2026

Organized crime at syndicate, ilan sa mga hamong kinakaharap ng gobyerno —international watchdog

Itinuturing na hamon ng gobyerno ang pag-sugpo ng krimen tulad ng organized crime o sindikato sa bansa.

Ito ang sinabi ni National Programme Officer ng Anti-Corruption Watchdog ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNDOC) na si Atty. Kirbee Tibayan sa isang ambush interview sa nagpapatuloy na Strategic Planning ng Office of the Ombudsman sa Baguio City ngayong tanghali.

Ayon kay Tibayan na ang ganitong uri ng krimen ay kinakailangan ng matibay na ebidensya upang patunayan na ito ay organisado ng isang tao o grupo.

Dagdag pa niya na ang mga maituturing na “big fish” ay mahirap mahuli lalo na’t mga politically exposed ito.

Binanggit din ng abogado na kung dapat bang iki-criminalize ang mere participation o pagsali ng isang indibidwal sa isang organized group pero maaari din itong makaapekto sa mga ibang grupo.

Samantala, itinutulak naman ni Tibayan ang pagbuo ng Interagency Coordination Task Force para sa public procurement fraud upang masugpo ang katiwalian sa bansa at National Whistleblower Protection Act para naman sa kanilang proteksyon.

Facebook Comments