Manila, Philippines – Inatasan ng Southern Police District ang concert organizers ng events at concerts na magsumite ng security plan.
Ang naturang security plan ay maagang i-a-asses ng SPD at magsasagawa rin sila ng mga rekomendasyon
Layon nito na matiyak na hindi mangyayari sa bansa ang nangyari sa Manchester, England kung saan nalusutan ng suicide bomber ang concert ni Ariana Grande.
Kahapon, nagsagawa ng consultative meeting si Pasay City Mayor Antonino Calixto sa concert organizers gayundin sa mga opisyal ng SPD at sa mga hepe ng pulisya sa Makati, Taguig, Pasay at Paranaque.
May kinalaman na rin ito sa maagang paghahanda para sa gagawing concert sa Pasay City nina Britney Spears at Ariana Grande.
Magugunitang noong Mayo bente dos ng nakalipas na taon, limang party-goers ang nasawi sa drug overdose sa open party sa Pasay City.
DZXL558, Joyce Adra