Orientation ng mga bagitong kongresista, tinapos na ng Kamara

Tinapos na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang orientation para sa “executive course on legislation” ng huling batch ng mga neophyte congressmen.

Matatandaang naudlot noong nakaraang linggo ang pagtatapos ng orientation at graduation ng mga bagitong mambabatas matapos na may isang kongresista ang magpositibo sa COVID-19.

Ang ikatlo at huling batch ay binubuo ng 65 mga bagong mambabatas.


Kabilang sa mga nasa third batch na nagtapos sa orientation sina Ilocos Norte Representative Sandro Marcos at Cavite Representative Jolo Revilla.

Samantala, naunang sumalang sa orientation ang 26 na kongresista na siyang unang batch at sinundan ng 55 kongresista na bumubuo naman sa ikalawang batch.

Katuwang naman ng kamara sa pagsasagawa ng ‘refresher course’ sa mga neophyte congressmen ang National College of Public Administration and Governance ng University of the Philippines.

Inaasahan namang sa Lunes ay magagamit na ng mga bagitong kongresista sa pagbubukas ng sesyon ng 19th Congress at sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kanilang mga natutunan sa orientation.

Facebook Comments