Original video streaming service ng Apple, ilulunsad na

Ilulunsad na sa November 1 sa higit 100 bansa ang sariling video streaming service ng Apple.

Ito ay ang “Apple TV+.”

Hakbang ito ng iPhone maker na hamunin ang mga streaming giants gaya ng Netflix at Amazon prime video.


Ang streaming service ay nagkakahalaga ng $4.99 kada buwan o halos 260 pesos.

Mapapanood dito ang mga original shows, movies at documentaries.

Ayon sa Apple, ang mga gumagamit ng iPhone, iPad, Apple TV, iPod touch o Macbook ay makakalibre sa streaming service sa loob ng isang taon.

Facebook Comments