Wednesday, January 21, 2026

ORIHINAL NA TINAPANG MANOK NG URDANETA CITY, TINATANGKILIK AT MAARING DALHIN BILANG PASALUBONG SA ABROAD

Sa bawat usok na bumabalot sa pugon at sa bawat kagat ng malinamnam na isda, buhay ang tradisyon, ang kauna-unahang gumagawa ng tinapa sa Urdaneta City at kinikilalang Original at isa sa pinakamasarap na smoked fish sa Pangasinan.

Ang tinapa ay isang kilalang pagkaing Pilipino—isda na niluluto at pinepreserba sa pamamagitan ng tradisyunal na pagpapausok. Karaniwang ginagamit dito ang galunggong (GG) at bangus, at matagal na itong bahagi ng kulturang Pilipino. Sa pamilyang Galinato, ang may-ari ng ng establisyimento, ang sining ng paggawa ng tinapa ay nagsimula pa noong dekada 1950 at ngayon ay ipinagpatuloy na ng ikatlong henerasyon.

Sa pagnanais na magbigay ng kakaiba at natatanging produkto, ipinakilala ang Tinapang Manok noong 2018—isang makabagong produkto na agad tinangkilik ng mga mamimili. Sa kabila ng mga bagong ideya, nananatiling buo ang orihinal na recipe at tradisyunal na proseso, gamit pa rin ang pugon sa pagpapausok, kahit sa makabagong panahon.

Kilala ang D Galinato’s sa kanilang export-quality smoked fish na may natatanging smoky flavor at tunay na lasa ng tinapa. Ang kanilang mga produkto ay vacuum-sealed, kaya mainam dalhin bilang pasalubong, lalo na ng mga OFW. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments