Ormoc City, muling niyanig ng 5.4 magnitude lindol

254

Manila, Philippines – Muling niyanig ng lindol ang Ormoc City sa Leyte kaninang alas 9:41 ng umaga na umabot sa 5.4 magnitude na may lalim ng anim na kilometro at 15 kilometro ang layo at 81 degrees sa Silangan ng Ormoc City.

Base sa monitoring ng Philvocs nasundan pa ito ng sunod sunod na paglindol kaninang alas 9:49, 3. 3 magnitude, 9:54 3.2 magnitude at alas 10:07 na 2.1 magnitude.

Inaasahan pa ng PHILVOCS ang mga pagyanig at aftershocks sa Ormoc City.


Pinayuhan ng PHILVOCS ang publiko na maging mapagmatyag at umiwas sa mga debris na posibleng magbabagsakan dahil sa lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments