Manila, Philippines – Magsasagawa ng assessment ang lokal na pamalaan ng Ormoc sa iniwang pinsala dulot ng magnitude 6.7 na lindol.
Sa interview ng RMN kay Ormoc City Mayor Richard Gomez – pagpupulungin ang lahat ng kaukulang ahensya para malaman ang update sa kalagayan ng lunsod.
Sinabi rin ng aklade na halos 30 pamilya ang lumikas na nanatili sa mga evacuation centers.
Uumpisahan na rin aniya ang clearing operations sa tatlong barangay na naapektuhan ng pagguho ng lupa.
Umaasa naman ang alkade na maibabalik na sa normal ngayong araw ang sitwasyon sa kanilang lungsod.
Facebook Comments