World – Pursigido si United States President Donald Trump na komprontahin ang North Korea kasunod ng paglulunsad nito ng Intercontinental Ballistic Missile (ICBM) nitong Martes.
Ayon kay Trump, hinimok nito ang mga ibang bansa na ipakita sa Pyongyang ang kahihitnatnan ng kanilang weapons program.
Aniya, maituturing na banta ang North Korea dahil sa mga delikadong hakbang nito na kailangang resolbahin.
Nabatid na handa ang US defense ministry na gumamit ng dahas o pwersa kung kinakailangan kapag hindi itinigil ng North Korea ang kanilang missile program.
Facebook Comments