Isinagawa sa bayan ng Burgos ang oryentasyon ukol sa pagpapalakas ng pagpapatupad ng mga ordinansa sa central public market at iba’t ibang bahagi ng bayan.
Ang naturang oryentasyon ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan kung saan layunin nito na bigyang linaw at komprehensibong impormasyon ang mga small and medium-sized enterprises (SMEs) upang maiwasan ang paglabag sa mga ordinansa tulad lamang ng Anti-Littering Ordinance, Anti-Smoking Ordinance, at Anti-Nonbiodegradable Plastic Bags Ordinance, na maaaring humantong sa pagmulta o pagkabilanggo depende sa bigat ng kanilang pagkakasala.
Samantala, bilang konsiderasyon sa mga hinaing at suhestiyon ng mga MSMEs’ ay ipinagpaliban at inilipat sa May 1, 2023 ang simula ng araw ng paghuli at pagmulta sa mga lalabag sa Anti-Nonbiodegradable Plastic Bags Ordinance.
Ang naturang suhestiyon ay sinang-ayunan din ng mga dumalo sa oryentasyon ang simula ng paghuli at pagmulta ng mga lalabag sa Anti-Smoking Ordinance at Anti-Littering Ordinance ngayong Marso. |ifmnews
Facebook Comments