OSG, iginiit na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court na imbestigahan ang Pangulong Duterte kaugnay ng war on drugs

Manila, Philippines – Nanindigan ang Office of the Solicitor General (OSG) na walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa crimes against humanity na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte at labing-isang iba pang opisyal ng gobyerno.

Iginiit ni OSG spokesman Atty. Erik Dy na hindi maaring palitan ng ICC ang trabaho ng mga hukuman sa Pilipinas.

Aniya,magkakaroon lamang ng hurisdiksyon ang ICC kapag mabigo ang mga korte sa bansa na gampanan ang kanilang mandato.


Ginawa ng OSG ang pahayag makaraang sabihin ni International criminal law prosecutor Fatou Bensouda na pag-aaralan nila kung may hurisdiksyon ang ICC sa usapin.

Sa ngayon,nakabinbin sa Korte Suprema ang dalawang petisyon na kumukwestiyon sa war on drugs ng Administrasyong Duterte.

Facebook Comments