Manila, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General na ibasura na ang mga petisyon na kumukwestiyon sa pangatlong pagpapalawig sa Martial Law sa Mindanao.
Naghain na ng kanilang memorandum (48 pages) sa Supreme Court ang OSG isang linggo matapos ang oral arguments.
Iginiit ng OSG na Bukod sa presensya ng CPP-NPA-NDF sa Mindanao, nagkalat din anila ang mahigit 800 pinagsamang miembro ng Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilang lugar sa rehiyon.
Iginiit din ni Solicitor General Jose Calida na saklaw ng kapangyarihan ng Kongreso ang pagtukoy kung may sapat na basehan o factual basis para sa Martial Law extension.
Ang nasabing pasya ng Kongreso ay hindi na anya dapat isinasailalim pa sa anumang judicial review dahil ikinokonsidera itong isang political question.