Inamin ng Office of the Solicitor General (OSG) na naghahanda sila para sa posibleng paghahain ng quo warranto petition laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen.
Ayon sa OSG, ito ang dahilan kung bakit humihirit sila sa Supreme Court na bigyan sila ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Justice Leonen.
Iginiit ni Solicitor General Jose Calida na ito ay ginagarantiyahan ng 1987 Constitution at alang-alang na rin sa transparency.
Una nang ibinunyag ni dating Presidential Spokesman at Ambassador Rigoberto Tiglao na nakakuha siya ng kopya ng SALN ni Leonen sa Office of the Ombudsman.
Gayunman, hindi aniya ito kumpleto dahil hindi raw nag-file ng kanyang SALN si Leonen noong taong 2003, 2008 at 2009.
Facebook Comments