iFM Laoag – Nanganganib at kinakatakotan ngayon ng mga opisyal ng gobyerno ng Laoag City ang posibleng pagdeklara ng bankruptcy ng kanilang City General Hospital.
Ayun sa datus na lumabas sa report ng ospital sa city council at opisina ng mayor, lumalabas na marami itong ‘financial losses’ o pagkalugi dahil may mga utang pa ito sa iba’t-ibang supplier.
Lumalabas na kulang-kulang na rin ang mga gamot sa kanilang parmasya at sira-sira narin ang mga kagamitan dito pati ang kanilang elevator. Lumabas pa sa report ng isang doktor na tumutulo daw ang tubig sa bubongan ng kanilang ‘Intensive Care Unit’ o ICU room.
Umaabot sa higit kumulang 50 milliong piso ang taonang lugi ng ospital simula taong 2017. Ayaw na man magdeklara ng bankruptcy ni City Mayor Michael Marcos Keon, at malaki ang kanyang tiwala na makakabangon parin ang kanilang ospital. ### Bernard Ver, RMN News