Tinanggap ni Ospital ng Muntinlupa Director Dr. Edwin Dimatatac ang donasyon na mga ICU equipment mula sa Philippine Business for Social Progress (PBSP).
Ang mga na-donate na mga mga ICU equipment ay ang cardiac monitors at infusion pump.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Dimatatac sa PBSP sa pag-donate ng mga medical equipment.
Dahil aniya ito ay malaki ang maitutulong sa kanilang healthcare management para COVID-19 at non-COVID-19 patients.
Maliban kay Dr. Dimatatac, pinasinayaan din ang nasabing virtual turn-over ceremony nina OsMun Chief Nurse Ester Romano at Dr. Orlando Diomampo.
Facebook Comments