Inanunsyo ng Manila City government na wala nang kaso ng COVID-19 sa Ospital ng Tondo (OSTON).
Bunga nito, maaari nang makapagpagamot ng ibang karamdaman sa OSTON ang mga residente ng Tondo.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, maraming mga residente na may ibang karamdaman ang hindi nagpa-check-up sa takot na mahawaan sila ng COVID-19 sa ospital.
Aniya, ito na ang pagkakataon para makapagpagamot sa Ospital ng Tondo ang non-COVID patients.
Una nang itinayo ang Manila COVID-19 Field Hospital para paluwagin ang anim na pampublikong ospital sa Maynila na may mga kaso ng COVID-19 at para magamit ang government hospitals sa non-COVID patients.
Facebook Comments