Otomatikong pagbibitiw sa pwesto dapat gawin ng sinumang opisyal ng pamahalaan – PACC

Inaasahan sa mga opisyal ng gobyerno ang agarang pagbibitiw sa pwesto sa sandaling mabahiran ng korapsyon ang kanilang pangalan.

 

Ito ang iginiit ni Presidential Anti Corruption Commission o PACC Commissioner Greco Belgica matapos pumirma sa manifesto of support laban sa korapsyon ang ilang matataas na opisyal ng ibat ibang ahensiya at departamento ng gobyerno.

 

Sinabi ni Belgica na panghahawakan nila ang pirmadong manifesto at  ipapamukha sa mga opisyal kapag nasangkot sa anumang insidente ng katiwalian.


 

Ayon kay Belgica, dadalhin nila sa ibat ibang bahagi ng bansa ang manifesto of support para papirmahin ang iba pang mga  opisyal ng gobyerno at mga local na opisyal ng pamahalaan o local chief executives.

 

Inaasahang sa susunod na linggo ay dadalhin nila ang manifesto sa Lunsod ng Maynila, Quezon City, gayundin sa iba pang rehiyon tulad ng Region 1, 3, 5, 7 at 9.

 

 

 

Facebook Comments