OTS, nagpalabas ng paglilinaw sa kumakalat na lumang advisory sa social media hinggil sa seguridad sa NAIA

Naglabas ng paglilinaw ang Office for Transportation Security (OTS) hinggil sa kumakalat na lumang public advisory mula sa United States Department of Homeland Security (US-DHS).

Partikular ang nakalagay sa advisory na hindi raw sapat ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nilinaw ng OTS na ang kumakalat na public advisory ay noon pang December 2018 inisyu ng US-DHS.


Tiniyak din ng OTS na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa US at iba pang foreign counterparts para ma-improve ang overall status ng seguridad sa international gateways ng bansa.

Patuloy rin anila ang pakikipagtulungan ng OTS sa Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) para mapanatili ang kanilang compliance sa international standards sa civil aviation security.

Facebook Comments