156 na dayuhan na iligal na nagtatrabaho sa POGO, pina-deport na ng Immigration

Umabot na sa 156 dayuhan ang dineport ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa hindi lisensyadong pagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Ayon sa BI, ito ay 42% ng 368 foreign nationals na konektado sa illegal POGO operations sa Pasig City at Angeles City.

Sa 156 na dayuhan, pito ang na-deport noong Disyembre 16, 2022.


Samantala, 27 ang na-deport noong Disyembre 21, 2022 at 23 noong Disyembre 28, 2022.

Facebook Comments