Rodel Jayme, iginiit na hindi siya ang nag-upload ng Bikoy videos

Iginiit ni website development na si Rodel Jayme na hindi siya ang nag-upload ng kontrobersyal na Bikoy videos.

Ani Jayme – sa halagang 2,500 pesos, binuo niya ang website na metrobalita.com na ipinagawa ng isang “Maru Nguyen” na kanyang kaibigan.

Sa website i-a-upload ang mga artikulo tungkol sa ilang kandidato ng oposisyon.


Hindi inakala ni Jayme na gagamitin ang website para isapubliko ang mga Bikoy video.

Nag-alok din daw si Nguyen sa kanya ng pondo para tulungan siyang makapagtago matapos lumabas ang mga video.

Sa bisa ng warrant to search, seize and examine data, nagsagawa ng search ang NBI sa bahay ni Jayme noong April 30 kung saan ibinigay niya ang mga electronic devices.

Facebook Comments