Ouster plot kay PRRD, minaliit ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Nakakatiyak si Senate President Tito Sotto III na walang mararating ang umano’y planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pahayag ito ni Sotto, makaraang maglabas ng matrix ang Malakanyang kaugnay sa ouster plot na kinabibilangan ng ilang media organizations.

Base sa matrix, nasa likod din ng ouster plot ang alyas Bikoy na siyang nasa viral video na nagdadawit kay presidential son Paolo Polong Duterte at kay Agriculture Undersecretary Waldo Carpio na bayaw naman ni Mayor Sara Duterte sa ilegal drug trade.


Ayon kay Sotto, dahil nasa demokrasya tayo ay pwedeng maglatag ng plano laban sa Pangulo ang kahit na sino.

Pero kumpyansa si Sotto na hindi ito magtatagumpay lalo pa at nananatili ang tiwala kay Pangulong Duterte ng mayorya ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments