OUSTER PLOT | Malacañang, naniniwalang may basehan ang pahayag ni PRRD

Manila, Philippines – Pumalag ang MalacaƱang sa naging pahayag ng oposisyon na napapraning lang si Pangulong Rodrigo Duterte nang ihayag nito na mayroong destabilization plot laban sa kanya sa susunod na buwan.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, naniniwala siyang may basehan ang pahayag ni Pangulong Duterte dahil may access ito sa lahat ng impormasyon kasama na ang mga intelligence information.

Posible rin aniya ang sinasabi ng Pangulo dahil makikita namang marami itong mga kalaban na hindi makapaghintay sa susunod na eleksyon at gustong makabalik sa kapangyarihan.


Una rito, sinopla ng oposisyon sa Kamara ang pahayag ni Pangulong Duterte na may ikinakasang ouster plot laban daw sa kanya.

Ayon sa mga miyembro ng Liberal Party sa Kamara, bunga lamang ng kapraningan ni Pangulong Duterte ang kuro-kuro niyang ito.

Facebook Comments