IGINIIT | Maraming Pilipino, mawawalan ng trabaho kapag isinabatas ang TRAIN 2

48

Manila, Philippines – Maraming manggagawang Pilipino ang pinangangambahang mawawalan ng hanapbuhay kapag ganap nang naging batas ang TRAIN 2 o TRABAHO Bill.

Sabi ni ALU-TUCP spokesman Alan Tanjusay, sa oras na naipatupad ang TRAIN 2 ay tiyak na magbabawas ng mga empleyado ang mga negosyong maaapektuhan nito.

Iniba lang naman aniya ang pangalan nito at ginawang TRABAHO Bill para magmukhang katanggap-tanggap pero ang totoo ay isa na naman itong pahirap para sa mga Pilipino.

Matatandaang kahapon ay tuluyan nang nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8083 o ang TRAIN 2.

Facebook Comments