OUTER LANE SA MGA NATIONAL HIGHWAY SA LA UNION, IPINANUKALANG ILAAN SA MGA SLOW-MOVING VEHICLES

Ipinapanukala ng ilang mambabatas sa La Union ang pagbibigay bisa sa Draft Provincial Ordinance No. 567-2025 o ang Ordinance Designating and Regulating the National Highway Outer Lanes and/or Shoulder as Slow-Moving Vehicles Lane.

Sa ilalim nito, tanging mga four-wheel cars, trucks, at public utility vehicles ang maaaring gumamit ng inner lane habang ang mga tricycle, motorsiklo, bisikleta at iba pang mabagal ang patakbo na mga sasakyan ay dapat nasa outer lane.

Ipinagbabawal din ng panukala ang illegal parking, pagbebenta at pagtatayo ng anumang istruktura sa outer lane, slow moving vehicles sa inner lane sa outer lane, na i-overtake ng malalaking sasakyan sa outer lane.

Kaukulang P200 hanggang P600 ang ipapataw na multa depende sa sasakyan at kung ilang beses naulit ang paglabag. Maglalagay din ng signage sa mga daan bilang gabay ang mga law enforcement agencies ukol dito.

Sa pamamagitan nito, nais pairalin ang disiplina sa kalsada, makamit ang mas maayos na daloy ng trapiko at maging ligtas ang kakalsadahan sa buong lalawigan.

Nakatakdang pag-aralan ng Committee on Transportation ang panukalang ordinansa katuwang ang DPWH, law enforcement stakeholders at transport group sa public consultation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments