Outgoing Nicanor Faeldon, naniniwala na ang pagkakasibak niya sa BOC ang pinakamainam sa bansa

Manila, Philippines – Matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter, naniniwala mismo si outgoing Customs Commissioner Nicanor Faeldon na ang pagkakasibak niya sa BOC ay ang pinakamainam para sa bansa.

Dahil dito, hinihimok ni Faeldon ang publiko na patuloy na suportahan ang isinusulong na reporma at development program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga sumuporta sa kanyang pamumuno sa BOC.


Umapela rin si Faeldon sa mga empleyado ng BOC, pati na sa publiko na suportahan ang bagong commissioner ng kawanihan na sa katauhan ni PDEA Director General Isidro Lapeña.

Handa naman ang mga empleyado ng BOC na suportahan kung sino ang napipisil ni Pangulong Duterte na ipapalit kay Faeldon.

Si Faeldon ay pinalitan sa pwesto sa kasagsagan ng imbestigasyon sa Senado at Kamara kaugnay ng naipuslit na 6.4 billion pesos na shabu shipment mula sa China.

Facebook Comments