Outpost pinasabugan ng granada sa bayan ng Pikit North Cotabato

52

Pinasabugan ng granada ang outpost ng BPAT na matatagpuan sa National Highway, ng Barangay Fort, Pikit sa bayan ng Pikit lalawigan ng North Cotabato pasado ala-1:00 ng hapon nitong Sabado.
Batay sa report sakay umano ang mga suspek sa isang Kawasaki Bajaj motorcycle ng kanilang ihagis ang granada.
Wala namang naiulat na may nasawi o nasaktan sa naturang pagsabog. Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo sa pagpapasabog.

Facebook Comments