TAMBANG | 3 lalaki, pinagbabaril sa New Corrella, Davao

33

Davao – Patay ang tatlong lalaki makaraang tambangan ang kanilang sinasakyan sa New Corrella, Davao.

Kinilala ang mga biktimang sina Arturo Cordita, Jr., Rohel Gozon at Carlos Abad.

Kwento ng mga nakasaksi, nakarinig sila ng putok ng baril sa Barangay Poblacion at nakitang patakas ang ilang kalalakihan na sakay ng motorsiklo.

Matapos ang pamamaril, sumalpok sa puno ang sasakyan ng mga biktima.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo at nasa likod ng krimen.

Facebook Comments