Overflow na Tulay sa Alicaocao Cauayan City, Maari ng Daanan ng Kahit Anumang Sasakyan!

Cauayan City, Isabela – Maari ng daanan ang Alicaocao overflow bridge sa lungsod ng Cauayan  ng kahit anumang uri ng sasakyan  matapos na umapaw ang tubig mga alas tres kaninang madaling araw.

Ayon kay ginoong Waldo Laggui, ang Chief Tanod ng Barangay Alicaocao na ligtas ang mga motorista na dadaan sa tulay sa kabila na may bahagi na lumubog dito.

Ipinaliwanag pa ni ginoong Laggui na sanay na umano ang mga tricycle sa nasabing tulay at mga bangka na bimibiyahe dahil sa may mga residente rin na takot paring sumakay ng tricycle o anumang sasakyan patawid sa tulay tuwing lumalaki ang tubig.


May nakabantay rin umano na traffic aid sa kabilang dulo ng tulay malapit sa lumubog na bahagi upang masigurado na mailigtas ang sinumang may problema sa lugar.

Patuloy umano na magbabantay ang grupo ni ginoong Laggui sa lugar hanggang sa tuluyang bumaba ang tubig sa Alicaocao Bridge.

Facebook Comments