Batay sa firecracker related injury surveillance report ng Provincial Health Office o PHO, nakapagtala ang Pangasinan ng total na 76 na kaso mula Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 5, 2023 kumpara sa 39 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO) ng Pangasinan, 94% na pagtaas sa bilang ng mga kaso ng pinsala na may kaugnayan sa paputok ang kanilang naging huling datos sa lalawigan noong Enero 5.
Sinabi ni provincial health officer Pangasinan, Dr. Anna Maria Teresa de Guzman, sa kabuuang mga nasugatan, ang pinakabatang biktima ay isang tatlong taong gulang na babae at ang pinakamatanda ay isang 38 taong gulang na lalaki.
Nangunguna ang Dagupan City sa mga munisipalidad at lungsod na may pinakamaraming bilang ng mga nasugatan na may 12 kaso, sunod ang San Carlos City na may walong kaso, tig-pitong kaso sa Mangaldan at Manaoag, at limang kaso sa Binmaley.
Idinagdag naman ni De Guzman na sa pagdiriwang ng Bagong Taon at Pasko ay wala namang naiulat na pinsala ng ligaw na bala sa lalawigan. | ifmnews
Facebook Comments