Overhaul at reporma sa PhilHealth, itinutulak sa Kamara

Isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda ang reporma sa PhilHealth sa inihain nitong House Bill 7578.

Sa ilalim ng PhilHealth Reform Act of 2020 ay magpapatupad ng overhaul sa operasyon ng PhilHealth upang matiyak na mapopondohan ang Universal Health Care at maaalis ang ugat ng korapsyon at maling pamamahala sa state health insurer.

Ang panukalang ito ay kasama din sa 33 pahinang aide memoire ng kongresista sa liderato ng Kamara at sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.


Tiwala ang kongresista na makakatulong sa bagong talagang PhilHealth President and CEO Dante Gierran ang panukala para sa paglilinis at pagpapatupad ng reporma sa loob ng ahensya.

Nakasaad din sa panukala na hindi na pagbabayarin ng PhilHealth premium contributions ang mga OFWs dahil hindi naman nanggagaling sa bansa ang kanilang kinikita at hindi rin magagamit ng isang OFW sa abroad ang serbisyo nito.

Samantala, ipapatas din sa buwanang kita ng isang manggagawa ang babayarang kontribusyon sa PhilHealth kung saan ibababa ang monthly contribution ng mga minimum wage earners na exempted sa pagbabayad ng income tax sa P100 na lamang kada buwan.

Facebook Comments