OVERLOAD NA HALO-HALO NA GAWA NG ISANG PANGASINENSE, TRENDING

Ang init ngayon na nararanasan mo, mapapawi sa matamis at malamig na halo-halo.

Sa Mangaldan, ginawang overload ni JP Bagtas ang halo-halo dahilan upang umani ng mahigit 2 milyong views ang kanyang viral na video.

Sa naturang video, makikita kung paano niya pinagsama-sama sa isang malaking baso ang mga sangkap ng halo-halo tulad ng saba, nata de coco, sago, langka, ube halaya, pinipig, at isang buong llanera ng leche flan bilang topping. Dahil sa dami ng sahog, tiyak na hindi ka mabibitin sa matinding tamis at linamnam ng overload na halo-halo.

Malaking bagay para kay JP na nag trending ang kanyang content, lalo na’t isa na rin siyang entrepreneur. Nais din nitong magbigay ng ideya sa mga gustong magsimula ng negosyo, lalo na ngayong mataas ang demand para sa pampalamig sa mainit na panahon.

Sa ngayon, marami na ang sa lalawigan ang ginagawa ng negosyo ang halo-halo overload na mabibili sa halagang P25 hanggang ₱75 kada baso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments