Overproduction ang itinuturong dahilan ng over supply at pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa merkado.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Regional Director Antonio Gerundio, maraming magsasaka ang nagtanim ng sibuyas matapos tumaas ang presyo nito noong nakaraang taon.
Dagdag pa ni Gerundio, dahil mataas ang presyo noong nakaraang taon ay hindi bumaba sa P42 per kilo ang sibuyas kung kaya’t hindi ma-accommodate ng local storage ang ibang surplus.
Nabatid na umabot na sa 33,050 bags ang inani ng mga magsasaka at marami pang aanihin hanggang Mayo kung kaya’t malaki ang hinanakit ng mga magsasaka dahil tone-tonelada na ang nasirang sibuyas.
Facebook Comments