OVERSEAS FILIPINO WORKERS SA BAYAN NG LINGAYEN, PINAGKALOOBAN NG LIVELIHOOD ASSISTANCE.

Napagkalooban ang mga distress/displaced Overseas Filipino Workers (OFWs) o mga taong nawalan ng trabaho na residente mula sa una at ikalawang distrito sa lalawigan ng Pangasinan ng isang livelihood assistance mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Nasa pitumpu ang bilang ng mga OFWs na nabenipisyuhan ng nasabing tulong pangkabuhayan.
Sa ilalim ng Pangkabuhayan Caravan na inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Public Employment Service Office ang pinagmulan ng tulong para sa mga distressed workers.

Samantala, patuloy ang pamamahagi ng programang livelihood assistance ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba pang mga distrito upang mabigyan ng tsansa o oportunidad hindi lang mga OFWs, maging ang lahat ng Pangasinense na matulungan at sila’y magkaroon ng sariling pangkabuhayan. |ifmnews
Facebook Comments