CERTIFIED HYBRID PALAY SEEDS, NATANGGAP NG MGA MAGSASAKA SA BAYAN NG URBIZTONDO

Natanggap ang Certified Hybrid Palay Seeds ng mga magsasaka sa bayan ng Urbiztondo bilang paghahanda Wet Cropping Season ngayong taong 2023.
Naging posible ang distribusyon sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo at Municipal Agriculture Office sa Department of Agriculture na siyang pinagmulan ng mga ipinamahaging binhi.
Samantala, ang nasabing pamamahagi ay may layon ding makatulong sa pagpapataas ng produksyon ng palay nang mabenipisyuhan ang mga magsasaka gayundin ang makatulong sa agrikultura ng nasabing bayan.

Magpapatuloy naman ang distribusyon base sa itinakdang schedule sa mga magsasaka ng mga barangay sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments