Overseas Job Fair, ikakasa ng city gov’t ng Bacoor, Cavite at Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila ngayong araw

Magsasagawa ng makasaysayang ‘Overseas Job Fair’ ang pamahalaang lungsod ng Bacoor, Cavite ngayong araw.

Ito ay bilang bahagi ng kanilang ikapitong anibersaryo ng pagkakatatag nila bilang isang lungsod.

Katuwang ng Bacoor City Government ang Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila at Public Employment Service Office (PESO) sa paghahatid ng serbisyong pang-manggagawa.


Ang “Trabahong Handog ni Ate Lani Overseas Job Fair” ay magsisimula mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa SM City Molino Event Center.

Aabot sa 40 overseas agencies ang makikilahok at naroroon din ang iba’t-ibang government services gaya ng: SSS, PhilHealth, TESDA, PNP, NBI, OWWA at POEA.

Dadalo sa job fair si Mayor Lani Mercado-Revilla, Cavite 2nd District Representative Strike Revilla, Virgilio Carreon Director-IV ng POEA, Ms. Corazon Ortizo Chief Manpower Registry Division ng POEA at Ma. Luisa S. Reyes, Regional Director of OWWA.

Magsisimula ang registration alas-7:30 ng umaga.

Pinapayuhan ang mga aplikante na huwag kalimutang magdala ng maraming kopya ng updated resume at 2X2 ID picture.

Magsuot din ng proper attire para sa interview.

Facebook Comments