Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang extension ng deadline sa filing ng application para sa pag-transfer ng voter registration record mula abroad pabalik ng Pilipinas.
Ayon sa Comelec, mula sa deadline na August 31 ay inilipat na ito hanggang sa September 30.
Resulta ito ng desisyon ng Commission en Banc na palawigin ang deadline para maiwasan ang disenfranchisement ng maraming overseas Filipinos na biglaang umuwi o na-repatriate dahil sa COVID-19 pandemic at iba pang kaguluhan sa ibang bansa.
Kung makakapag-file ng transfer bago matapos ang buwan, maaari nang makaboto ang overseas voter sa Pilipinas sa darating na May 2022 elections
Para sa dating overseas voters na nasa Pilipinas hanggang Mayo 2022 at nais makaboto, tumungo lang sa pinakamalapit na Office of the Election Officer (OEO) sa inyong lugar at mag-file na agad ng transfer.
Ang dating overseas voter ay dapat residente ng lugar kung saan siya boboto sa halalan.