Overseas voting registration ng OFWs sa Qatar kada Biyernes, pinayagan na ng mga awtoridad doon

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Qatar na pinayagan sila ng Qatari authorities na magsagawa ng overseas voters’ registration sa araw ng Biyernes para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Epektibo ito kahapon at sa darating na Biyernes sa September 24.

Sa harap ito ng natatapos na September 30 deadline ng pagpapatala para sa overseas voting.


Ang araw kasi ng Biyernes sa Islam ay itinuturing na sagradong araw para sa panalangin.

Mismong sa Embahada ng Pilipinas sa Doha isinagawa ang pagpapatala ng mga Pinoy doon.

Facebook Comments