Pinabubuo ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin ang oversight committee sa Kamara para silipin kung nasusunod ba ang Rice Tariffication Law.
Nais malaman ng mambabatas kung nasusunod ba ang batas partikular na sa pagbibigay tulong at pagbibigay proteksyon sa mga lokal na magsasaka laban sa mga mapangabusong rice miller at traders.
May mga ulat na ginagamit ng mga private rice traders ang sitwasyon para murang bilhin ang palay ng mga magsasaka na nauuwi sa pagkalugi ng mga ito.
Pinasisilip din kung nagagamit na ng mga magsasaka para sa kanilang kabuhayan at farm equipment ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Giit ni Garbin, mukhang wala pang magsasaka ang nakakapag-avail nito kaya may nagrereklamo na sa batas.
Pinabubusisi din ang safeguards ng implementing rules and regulations ng Rice Tariffication Law lalo na patungkol sa buffer stock ng NFA.